^

PSN Palaro

SMB biyaheng finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
SMB biyaheng finals
Nag-agawan sa rebound sina Phoenix import Johnathan Williams at Tyler Bey ng Magnolia sa Game 3.
STAR/ File

Phoenix humirit pa sa Magnolia

MANILA, Philippines —  Sa unang laro, buma­ngon ang Phoenix mula sa 21-point deficit para resbakan ang Magnolia, 103-85, sa Game Three ng kanilang semis duel.

Pinigilan ng Fuel Masters ang pagpasok ng Hotshots sa PBA Finals matapos idikit sa 1-2 ang kanilang bets-of-five semis showdown.

“The target was to get Game Three. We’re not looking beyond Game Three, and now that Game Three is done we’re gonna prepare for Game Four,” sabi ni coach Jamike Jarin.

Iniskor ni import Johnathan Williams ang 13 sa kanyang 19 points sa second half bukod sa 15 rebounds, 4 assists at 2 blocks para sa Phoenix.

Nagdagdag si RJ Jazul ng 17 markers tampok ang limang three-point shots  habang may tig-14 at 13 points sina Javee Mocon, Sean Manganti, Kenn Tuffin at Jason Perkins, ayon sa pagkakasunod.

Tumipa si import Tyler Bey ng 18 points at 12 boards sa panig ng Magnolia at may 17 markers si Paul Lee kasama ang apat na triples.

Dalawang beses ipinoste ng Hotshots ang 21-point lead, ang huli sa 47-26 mula sa free throw ni James Laput sa 5:46 minuto ng second quarter bago nakatabla ang Fuel Masters sa 54-54 sa 7:26 minuto ng third canto.

Mula rito ay tuluyan nang kumawala ang Phoenix sa pagtatala ng 85-71 sa 8:34 minuto ng fourth period sa likod ng tatlong dikit na triples ni Jazul.

Ang tres ni Manganti ang lalo pang nagpalubog sa Magnolia sa 99-83 sa huling 2:21 minuto ng bakbakan.

vuukle comment

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with