Pinas posibleng ma-ban sa Olympics
MANILA, Philippines — Binigyan ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang Philippine Sports Commission (PSC) ng hanggang Pebrero 21 para tumalima sa WADA Code.
Ang WADA Code ay ang core document na nagtutugma sa mga anti-doping policies, rules at regulations sa loob ng sport organizations at sa hanay ng mga public authorities sa buong mundo.
Maaaring hindi makalahok ang bansa sa darating na Paris Olympics at Paralympic Games pati sa Asian Games at Southeast Asian Games at sa mga world championships.
Sinabi ng WADA na dapat tumalima ang PSC sa ‘code on developing and implementing effective, intelligent and proportionate Test Distribution Plan and include all Registered Testing Pool athletes from sports or disciplines’.
Tinukoy ng WADA ang kaso ng isang atleta na naglabas ng positive anti-doping result noong 2016 ngunit hindi ipinaalam ng PSC.
“If the PSC does not dispute any of these elements in writing to WADA, within 21 days from the date of this Formal Notice, the allegation of non-compliance will be deemed admitted, the consequences of non-compliance and the reinstatement conditions proposed by WADA will be deemed accepted, and this Formal Notice will automatically become a final decision with immediate effect,” ayon sa liham ng WADA sa PSC.
Nagbigay ang WADA ng notice sa PSC sa pamamagitan ng Philippine National Anti-Doping Agency (Phinado) noong Setyembre.
- Latest