Torres, Paralympians sa TOPS ‘Usapang Sports’

MANILA, Philippines — Tampok  na panauhin si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Walter Francis ‘Wawit’ Torres kasama ang tatlong premyadong Paralympians sa pagbubukas ng 2024 session ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong araw sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

Ibabahagi ng dating Olympic fencing veteran ang kaganapan sa mundo ng paralympics kung saan bahagi ng kanyang responsibilidad at gawain bilang PSC Commissioner ang pangangasiwa sa mga atletang may kapansanan.

Inaasahang makakasama niya sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweats sa ganap na  alas-10:30 ng umaga sina Tokyo Paralympian Jerrold Mangliwan,  ASEAN multi medalist swimmer Angel Otom, at Para legend Ernie Gawilan.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng PSNGayon/PM Pang Masa ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang mga sports enthusiasts na makilahok sa talakayan na mapapanood din via live streaming sa Facebook page TOPS Usapang Sports, Bulgar FB page, gayundin sa Channel 8 ng mobile apps PIKO (Pinoy Ako).

Show comments