^

PSN Palaro

Bonus nakataya sa Meralco-Phoenix game

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bonus nakataya sa Meralco-Phoenix game
Shonn Miller (2) had a triumphant PBA debut for the Meralco Bolts.
PBA Images

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng Meralco at Phoenix ang isa sa tatlong natitirang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round ng Season 48 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Magtutuos ang Bolts at Fuel Masters ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang bakbakan ng NLEX Road Warriors at Con verge FiberXers sa alas-8 ng gabi. Inangkin ng Magnolia ang unang quarterfinals bonus sa bitbit na 9-2 record kasunod ang Meralco (7- 2), Phoenix (7-2), Ginebra (7-3), San Miguel (7-3), NorthPort (6-5), Rain or Shine (5-5), TNT Tropang Giga (4-6), NLEX (3-6) at mga sibak nang Terrafirma (2-8), Converge (1-8) at Blackwater (1-9). “Kapag natalo kami sa Phoenix kahit manalo kami sa Terrafirma (sa Biyernes) at manalo iyong Phoenix sa TNT (sa Linggo), kami fifth,” pahayag ni Bolts’ coach Luigi Trillo. “Basehan ko diyan, kami ng Phoenix naglalabanan para sa top four. Quotient kasi pa- ngatlo kami, sunod iyong Phoenix.” Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advan- tage sa quarterfinals kontra sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod. Ang importanteng panalo rin ang hangad ng Fuel Masters ni mentor Jamike Jarin.

“As far as I know, which_ever wins gets the twice-to_beat advantage, top four, so talagang we have to prepare and be ready,” sabi ni Jarin. Samantala, ipapara_da ng Road Warriors ang bagong import na si Deandre Williams Baldwin kapalit ni Stokley Chaffee Jr. sa pagsagupa sa FiberXers.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with