EJ Obiena PSA athlete of the year
MANILA, Philippines — Hindi maikakailang isa si pole vaulter EJ Obiena sa mga nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa taong 2023.
Kaya naman siya ang hinirang na Athlete of the Year sa darating na San Miguel Corporation (SMC)- PSA Awards Night. Pinaboran si Obiena ng majority ng pinakamatandang media organization na binubuo ng mga print at online sportswriters sa pangunguna ni president Nelson Beltran, ang sports editor ng The Philippine STAR.
Ito ay sa kabila ng pagwawakas ng Gilas Pilipinas sa 61 taong pagkauhaw sa Asian Games men’s basketball gold, ang historic win ng Filipinas sa kanilang FIFA Women’s World Cup debut at ang pagrereyna nina Margarita ‘Meggie’ Ochoa at Annie Ramirez sa women’s jiu-jitsu event ng Hangzhou Asiad.
Si Obiena, anak nina dating track and field athletes Emerson at Jeanette Uy, ang unang track athlete na gagawaran ng nasabing prestigious award matapos si long jumper Marestella Torres noong 2009. Sa loob ng 12 buwan ay ipinakita ng 28-anyos na batang Tondo ang ka- kayahan ng mga Pinoy sa larangan ng sports.
Tatlong gold medals ang nilundag ni Obiena sa tatlong major international tournaments sa isang record-breaking fashion. Gumawa siya ng kasaysayan sa World Athletics Championships nang maging kauna-unahang Pinoy na nakatalon ng 6.00-meter leap. At tinapos niya ang 2023 bilang World No. 2. Ang 6-foot-2 ring si Obiena ang unang Pinoy athlete na nakasikwat ng tiket para sa 2024 Paris Olympics matapos ang silver-medal finish sa isang torneo sa Sweden isang araw matapos simulan ang mga qualifiers para sa quadrennial event. Ang ArenaPlus ang maghahandog sa blue_ribbon event katuwang ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, PLDT/Smart at MILO bilang mga major sponsors. Ang PSA Awards ay iti- nataguyod din ng Philippine Basketball Association, Premier Volleyball League (PVL), Rain or Shine at ni 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero.
- Latest