^

PSN Palaro

Pacquiao handa sa rematch kay Mayweather

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao handa sa rematch kay Mayweather
Palitan ng suntok sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao sa kanilang unang paghaharap noong 2015.
File photo

MANILA, Philippines — Inaasahan ni dating world-eight division champion Manny Pacquiao na muli niyang makakasagupa si American rival Floyd Mayweather Jr. sa isang rematch ngayong 2024.

Ito ang inihayag ni Pacquiao sa kanyang pagbisita sa Rizin.45 mixed martial arts event kasama si Rizin chief executive Nobuyuki Sakakibara sa Saitama, Japan. Sa isang video na ipinoste sa Rizin social media ac- counts ay tinanong ni Sakakibara si Pacquiao kung gusto nitong muling labanan si Mayweather ngayong taon. “Floyd Mayweather, yeah,” sagot ni Pacquiao. “I thought you didn’t want me to say that. But I’m excited for that. Thank you for always supporting Rizin, and thank you Sakakibara-san.” Pumirma si ‘Pacman’ sa Rizin noong Abril ng 2019. Nagbakbakan sina Pacquiao at Mayweather noong Mayo ng 2015 sa tinaguriang “Fight of the Century.” Wagi ang American fighter kontra sa Pinoy boxing icon via unanimous decision para mapanatili ang per_fect record. Sumira rin ang naturang event ng record_breaking revenues. Pareho nang retirado sa professional boxing ang 45-anyos na si Pacquiao (62-8-2, 39 KOs) at ang 46-anyos na si Mayweather (50-0-0, 27 KOs). Kapwa sila sumalang sa ilang exhibition matches ang dalawa. Tinalo ni Pacquiao si YouTuber DK Yoo sa isang exhibition bout noong Disyembre ng 2022. Sa Abril 20 ay haharapin ni Pacquiao si Thai muay legend Buakaw Banchamek sa Bangkok.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with