^

PSN Palaro

Inoue ‘di nagkukumpiyansa kay Tapales

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Inoue �di nagkukumpiyansa kay Tapales
Marlon Tapales.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kagaya ni Pinoy world su­per bantamweight champion Marlon Tapales, han­dang-handa na rin si Japanese star “Monster” Naoya Inoue para sa kanilang unification championship fight bukas sa Tokyo, Japan.

Sa katunayan ay naka­ilang sparring na si Inoue sa mga kinuha nilang Mexican boxers.

“I’ve finished 116 sparring sessions with good Me­xican partners,” wika ni Inoue. “That’s more than in preparation for my pre­vious fight against Stephen Fulton last July.”

Itataya ng 30-anyos na si Inoue ang kanyang mga suot na World Bo­xing Organization (WBO) at World Boxing Council (WBC) titles.

Ang mga bitbit na World Boxing Association (WBA) at International Boxing Fe­deration (IBF) belts naman ang isusugal ng 30-anyos na si Tapales.

“I’ve trained hard to refrain from overconfidence against Marlon Tapales and try to concentrate on training itself,” sabi ni Inoue sa kanyang training camp sa Ohashi Gym sa Yokoha­ma, Japan.

Tangan ni Tapales ang 37-3-0 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 19 knockouts, habang bitbit ni Inoue ang malinis na 25-0-0 (22 KOs) card.

Hangad ni Inoue na ma­­ging unang Japanese bo­­xer na nagkampeon sa da­lawang weight division matapos maghari sa bantamweight class.

“I’m very highly moti­va­ted to win all the four championship belts. The winner can take all,” sabi ni Inoue na dalawang beses tinalo si Nonito ‘The Fillipino Flash’ Donaire, Jr. para sa bantamweight crown no­ong 2019 at 2022.

Kung sakali ay si Ta­pa­les naman ang magiging kauna-unahang Pinoy na may hawak ng apat na world championship belts.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with