Froch binalaan si Khan laban kay Pacquiao
MANILA, Philippines — Nagretiro man si Manny Pacquiao noong 2021 ay taglay pa rin ng Pinoy world eight-division champion ang lakas sa mga kamao.
Ito ang babala kahapon ni dating world champion Carl Froch sa kababayang si British fighter Amir Khan na gustong gawin ang comeback fight laban kay Pacquiao.
“(Pacquiao) is a solid, fierce competitor, 44 years old, a big puncher,” sabi ni Froch sa kanyang YouTube channel.
“A punch is the last thing to go from a professional boxer. Amir Khan calling out Pacquiao is purely for money, and he needs to be careful,” dagdag ng dating unified super middleweight king.
Tinapos ng 44-anyos na si Pacquiao ang kanyang makulay na professional boxing career bitbit ang 62-8-2 win-loss-draw ring record tampok ang 39 knockouts.
Huling lumaban sa Filipino boxing legend noong Agosto 21, 2021 kung saan siya nakatikim ng unanimous decision loss kay Yordenis Ugas ng Cuba para sa WBA (Super) welterweight title sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Nakatakdang harapin ni ‘Pacman’ si Muay Thai fighter Buakaw Banchamek sa isang exhibition match sa Enero sa Bangkok, Thailand.
Nagretiro si Khan noong 2022 matapos matalo kay Kell Brook.
- Latest