^

PSN Palaro

Cansino masayang lilisanin ang UAAP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cansino masayang lilisanin ang UAAP
CJ Cansino .
UAAP

MANILA, Philippines — Masaya si CJ Cansino na lilisanin ang collegiate career nito sa UAAP na may isang korona at runner-up sa kaniyang pangalan.

Bahagi si Cansino ng University of the Philippines na nagkampeon sa Season 84, habang nagta­pos lamang ang Fighting Ma­roons bilang runner-up sa Season 86.

Lumasap ang UP ng 69-73 sa Game Three ng best-of-three championship series laban sa De La Salle University noong Miyer­kules.

“You guys saw the game earlier, we gave our best but we fell short, that’s life, it’s not for us,” sabi ni Cansino.

Ngunit mas nais ni Can­sino an maalala na na­ging parte ito ng Fighting Ma­roons na nagkampeon no­ong Season 84 kung saan tinuldukan ng kanilang tropa ang mahigit na tatlong dekadang pagkauhaw ng UP sa titulo.

“You bring it with you everyday when you win a championship. That’s why I’m very grateful that I get to win at least one cham­pionship here in the UAAP,” wika ni Cansino.

Bago pumasok sa UP ay naglaro muna si Cansino ng dalawang seasons sa University of Santo Tomas.

Nagpasya itong lumi­pat sa UP matapos ang kon­tro­bersiyal na Sorsogon bubble sa kasagsagan ng pan­demya.

vuukle comment

CJ CANSINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
By Abac Cordero | 19 hours ago
19 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with