^

PSN Palaro

Froch binalaan si Khan laban kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Froch binalaan si Khan laban kay Pacquiao
Ito ang babala kahapon ni dating world champion Carl Froch sa kababa­yang si British fighter Amir Khan na gustong gawin ang comeback fight laban kay Pacquiao.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagretiro man si Manny Pacquiao noong 2021 ay taglay pa rin ng Pinoy world eight-division champion ang lakas sa mga kamao.

Ito ang babala kahapon ni dating world champion Carl Froch sa kababa­yang si British fighter Amir Khan na gustong gawin ang comeback fight laban kay Pacquiao.

“(Pacquiao) is a solid, fierce competitor, 44 years old, a big puncher,” sabi ni Froch sa kanyang YouTube channel.

“A punch is the last thing to go from a professional bo­xer. Amir Khan calling out Pacquiao is purely for mo­ney, and he needs to be careful,” dagdag ng dating unified super middleweight king.

Tinapos ng 44-anyos na si Pacquiao ang kanyang makulay na professio­nal boxing career bitbit ang 62-8-2 win-loss-draw ring record tampok ang 39 knockouts.

Huling lumaban sa Fili­pi­no boxing legend noong Agosto 21, 2021 kung saan siya nakatikim ng unanimous decision loss kay Yor­denis Ugas ng Cuba para sa WBA (Super) welterweight title sa T-Mobile Are­na sa Las Vegas.

Nakatakdang harapin ni ‘Pacman’ si Muay Thai fighter Buakaw Banchamek sa isang exhibition match sa Enero sa Bangkok, Thailand.

Nagretiro si Khan no­ong 2022 matapos matalo kay Kell Brook.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with