^

PSN Palaro

Archers at Maroons agawan sa UAAP title

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Archers at Maroons agawan sa UAAP title
CJ Cansino at Kevin Quiambao

MANILA, Philippines — Tatapatan ng Universi­y of the Philippines ang enerhiyang ipinakita ng De La Salle University para ma­sungkit ang inaasam na kampeonato sa ‘do-or-die’ Game Three ng UAAP Season 86 men’s bas­ketball finals sa Smart Ara­neta Coliseum.

Nakatakda ang bakbakan ngayong alas-6 ng gabi.

“I felt they had more ener­gy and iyong mga ga­nitong klaseng game would really teach us what kind of effort to put forth to be able to get yung championship,” sabi ni UP coach Goldwin Mon­teverde.

Inaasahang huhugot ng puwersa ang Fighting Maroons kina Malick Diouf, CJ Cansino at Harold Alarcon para maibalik sa kanilang eskuwelahan ang korona na naagaw ng Ateneo Blue Eagles noong Season 85.

Nagwagi sa Game One ang UP pero nasagad ang kanilang serye nang dominahin sila ng Green Archers sa Game Two.

Nagliyab ang opensa ng La Salle sa Game Two lalo na sa third quarter kung saan ay lumamang sila ng 16 points, 65-49, papasok ng fourth period.

Kakapitang muli ng Green Archers si Francis Es­candor na nanguna sa Game Two matapos ilista ang 14 points mula sa 4-of-5 shooting.

Tiyak na makakatuwang ni Escandor sina Evan Nelle at Season 86 Most Valuable Player (MVP) Kevin Quiambao.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
By Abac Cordero | 19 hours ago
19 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with