^

PSN Palaro

Pacers, Pelicans pasok sa In-Season semis

Pilipino Star Ngayon
Pacers, Pelicans pasok sa In-Season semis
Humakot si Haliburton ng 26 points, 13 assists at 10 rebounds, habang nagtala si Myles Turner ng 17 points at 10 rebounds para sa Pacers na lalabanan sa semis ang magwawagi sa quarterfinals match ng New York Knicks at Milwaukee Bucks.

INDIANAPOLIS — Inilista ni Tyrese Haliburton ang una niyang career triple-double para akayin ang Indiana Pacers sa 122-112 pagsibak sa Boston Celtics sa quarterfinals ng In-Season Tournament.

Humakot si Haliburton ng 26 points, 13 assists at 10 rebounds, habang nagtala si Myles Turner ng 17 points at 10 rebounds para sa Pacers na lalabanan sa semis ang magwawagi sa quarterfinals match ng New York Knicks at Milwaukee Bucks.

Tumipa si Jayson Tatum ng 32 points at 12 rebounds at may 30 markers si Jaylen Brown para sa Celtics na naglaro na wala si Kristaps Porzingis (strained left calf).

Sa Sacramento, kumamada si Brandon Ingram ng 30 points para banderahan ang New Orleans Pelicans sa 127-117 pagpapatalsik sa Kings sa quarterfinals.

Haharapin ng Pelicans sa semis ang mananalo sa ram­bulan ng Los Angeles Lakers at Phoenix Suns.

vuukle comment

NBA

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with