^

PSN Palaro

Cignal sasargo ng final four slot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cignal sasargo ng final four slot
Muling sasandigan ng Cignal sina Vanie Gandler at Ces Molina laban sa Gerflor.
PVL photo

MANILA, Philippines — Puntirya ng Cignal na masungkit ang huling tiket sa Final Four sa pagsagupa nito sa Gerflor sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Confe­rence sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magtatagpo ang HD Spikers at Defenders sa alas-2 ng hapon kung saan inaasahang ibubuhos ng Cignal ang buong lakas nito para masiguro ang pag entra sa semis.

“Alam ko kung gaano nila pinaghirapan yung naging training namin. Good thing nabawi namin and we were very thankful. Isa na lang yung kailangan namin para sure na kami sa semis,” ani Cignal head coach Shaq delos Santos

Nasa No. 4 spot ang HD Spikers tangan ang 7-3 rekord habang nauna na sa semis ang Creamline, Choco Mucho at Chery Tiggo.

Kung mananalo ang HD Spikers, guguho na ang pag-asa ng ibang teams na naghahabol din sa semis spot.

Kaya naman aariba ng husto sina Ces Molina, Jovelyn Gonzaga, Roselyn Doria Vanie Gandler, Chin Basas, Riri Meneses at ace setter Gel Cayuna para makuha ang panalo.

Subalit hindi basta-basta ibibigay ng Gerflor ang laro dahil uhaw itong makuha ang kanilang u­nang panalo.

Bukod-tanging ang Defenders na lamang ang walang panalo sa liga matapos lumasap ng 10 sunod na kabiguan.

Kaya naman determinado sina Jeanette Villa­real, Grace Berte, Menchie Tubiera, Danika Gendrauli, Jenny Gaviola at Jhona Rosal na magkaroon ng magandang exit ang Defenders.

Sa kabilang banda, pakay ng Cool Sma­shers na mawalis ang eliminas­yon sa pakikipagtipan nito sa Galeries sa alas-4 ng hapon.

Maghaharap din ang PLDT at Petro Gazz sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with