^

PSN Palaro

Meralco magsasalang ng bagong import

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Meralco magsasalang ng bagong import
Nagkaroon si Braimoh ng sinususpetsang torn Achilles sa 3:55 minuto ng fourth quarter sa 97-94 paglusot ng Bolts sa NLEX Road Warriors sa Philsports Arena sa Pasig City noong Linggo.
PBA Image

MANILA, Philippines — Kung hindi na makakalaro si import Suleiman Braimoh ay paglalaruin ng Meralco si East Asia Super League (EASL) reinforcement Zach Lofton sa kanilang kampanya sa Season 48 PBA Commissioner’s Cup.

Nagkaroon si Braimoh ng sinususpetsang torn Achilles sa 3:55 minuto ng fourth quarter sa 97-94 paglusot ng Bolts sa NLEX Road Warriors sa Philsports Arena sa Pasig City noong Linggo.

“We might have to consider Zach, and then keep an open mind that we might have to look for another import with size,” wika ni coach Luigi Trillo sa sasalo sa trabaho ng Nigerian-American.

Tumapos si Braimoh na may 38 points, 8 rebounds at 4 assists bago nagkaroon ng injury para sa 4-1 record ng Meralco kasosyo ang Barangay Ginebra sa second place sa ilalim ng Phoenix (5-1) at Magnolia (5-0).

Samantala, balak ipatawas ni Rain or Shine coach Yeng Guiao si rookie big man Keith Datu na hindi nag­lalaro sa huli nilang limang laban.

vuukle comment

BASKETBALL

PBA

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with