^

PSN Palaro

NBA In-Season Tournament quarterfinals didribol ngayon

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES — Didribol ngayong linggo ang quarterfinals ng kauna-unahang NBA In-Season Tournament tampok sina superstars Jayson Tatum ng Boston Celtics, Tyrese Haliburton ng Indiana Pa­cers, De’Aaron Fox ng Sacramento Kings at Zion Williamson ng New Orleans Pelicans.

Lalabanan ng Celtics ang Pacers habang sasagupain ng Kings ang Pelicans sa knockout quarterfinals matches ngayon (Manila time).

Minasaker ng Celtics ang Pacers, 155-104, noong Nobyembre 1 sa Boston kung saan hindi naglaro si Haliburton.

Gagawin ang semifinals sa Las Vegas, Nevada sa Disyembre 7 habang sa Disyembre 9 ang title game kung saan pag-aagawan ng dalawang finalists ang NBA Cup at ang premyong $500,000 para sa bawat player ng winning team.

Samantala, bukas haha­rapin ni LeBron Ja­mes at ng Los Angeles Lakers ang wild card Phoenix Suns nina Kevin Durant at Devin Booker. Sasagupain naman ni Giannis Antetokounmpo at ng Bucks ang wild card New York Knicks sa isa pang quarterfinals game.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with