^

PSN Palaro

Tres ni Talampas nagsalba sa Chiefs

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginulat ng Arellano University ang San Beda University, 74-72, para buhayin ang tsansa sa Final Four ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Ibinuhos ni Jade Talampas ang kanyang 14 points sa fourth quarter kasama ang game-winning three-point shot para itaas ang baraha ng Chiefs sa 2-8.

Nagtapos ang four-game winning streak ng Red Lions para sa kanilang 7-3 record katabla ang Lyceum Pirates sa second spot sa ilalim ng Mapua Cardinals (8-2).

Nakabangon ang Arellano mula sa double-digit deficit sa fourth quarter  tampok ang triple ni Talampas sa huling limang segundo kasunod ang mintis na layup ni Fil-Canadian Jomel Puno sa huling po­sesyon ng San Beda.

Ang depensa ng Chiefs ang naglimita kay Red Lions’ star guard sa Jacob Cortez sa season-worst two points.

Sa ikalawang laro, pinatumba ng Jose Rizal University ang San Sebastian College-Recoletos, 79-72.

Sinolo ng Heavy Bombers ang 4th place sa kanilang 7-4 record.

vuukle comment

LYCEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with