Generals tinapos ang suwerte ng Blazers

Hindi na napigilan ng isang St. Benilde player ang jump shot ni Vince Marilla ng EAC.
NCAA Photo

MANILA, Philippines — Winakasan ng Emilio Aguinaldo College ang tat­long sunod na ratsada ng College of St. Benidle ma­tapos itakas ang 78-76 pa­nalo sa NCAA Season 99 men’s basketball tourna­ment kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Humakot si veteran big man JP Maguliano ng 17 points at 12 rebounds para sa 5-3 baraha ng Generals, habang may 3-3 marka ang Blazers.

Nagdagdag si Ralph Robin ng 16 markers mula sa kanyang 4-of-9 three-point shoo­ting.

Kinuha ng EAC ang 78-75 bentahe mula sa fere throw ni King Gurtiza sa dulo ng fourth quarter ma­tapos idikit ni center Will Gozum ang St. Benilde sa 75-77 sa nalalabing 12.7 segundo.

Huling naghamon ang Bla­zers sa Generals sa 76-78 agwat galing sa foul shot ni Robi Nayve.

Umiskor si Nayve ng 13 points sa first half para ibi­gay sa St. Benilde ang 56-48 kalamangan papasok sa third period.

Isang 8-1 atake ang gi­­nawa ng EAC para makalapit sa 53-57 patungo sa pag-agaw sa 65-59 bentae papasok sa fourth quarter sa likod nina Robin at Maguliano.

Tumapos si Nayve na may 23 points, 8 rebounds at 3 assists para sa Bla­zers.

Sa ikalawang laro, si­nag­pang ng San Beda Red Lios (6-2) ang 76-53 panalo sa San Sebastian Stags (3-6).

Show comments