^

PSN Palaro

Diaz masaya sa pagpasok ng weightlifting sa 2028 Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Diaz masaya sa pagpasok ng weightlifting sa 2028 Olympics
Hidilyn Diaz

MANILA, Philippines — Hindi maitago ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ang kasiyahan nito na mapasama ang weightlifting sa opisyal na kalendaryo sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California.

Pormal nang isiniwalat ng International Olympic Committee (IOC) executive board na mapapasama ang weightlifting sa LA Games.

Matatandaang pansamantalang inalis ang weightlif­ting sa kalendaryo ng LA Olympics dahil sa ilang isyu gaya ng doping.

Matapos maplantsa ang ilang gusot, nagpasya ang IOC na ibalik ito sa mga lalaruin sa 2028 Games.

“The IOC EB recommends its inclusion on the LA28 sports program following the decision by the International Weightlifting Federation (IWF) to delegate it’s anti-doping management to the International Testing Agency (ITA) and its sanctioning to the Court of Arbitration for Sport (CAS) at least until the end of 2028,”  ayon sa desisyon ng IOC.

Nabalot ng kontrobesiya ang weightlifting dahil sa ilang kaso ng doping.

“The effectiveness of the anti-doping programmers’ for the Paris 2024 Olympic qualification and Olympic competition will continue to be closely monitored by the IOC, as will the implementation of the governance and cultural changes adopted by the IWF,” dagdag ng IOC.

Dahil dito, masaya si Diaz na hindi mawawala ang weightlifting sa Olympics — ang sport na nagbigay ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games.

Matatandaang sumungkit si Diaz ng gintong medalya noong Tokyo Olympics.

Muling susubukan ni Diaz na makahirit ng gintong medalya sa Paris Olympics.

Subalit mapapalaban ito ng husto dahil bagong weight class na ang lalabanan ni Diaz — ang 59 kg. division.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with