Gilas boys abante sa susunod na round

Gilas Pilipinas
FIBA

MANILA, Philippines — Dinikdik ng Gilas Pilpinas boys ang Malaysia, 75-52, upang makahablot ng tiket sa susunod na round ng 2023 FIBA U16 Asian Championship kahapon sa Al-Rayyan Indoor Hall sa Doha, Qatar.

Nagposte ng double-double na 15 puntos at 13 rebounds si Kieffer Louie Alas upang trangkuhan ang Gilas sa ikatlong sunod na laban.

Sa 2023 SEABA Qualifiers ay tinambakan na rin ng Gilas boys ang Malaysia, 94-52, upang mawalis ang torneo at makaabante sa FIBA Asia.

Dahil dito, nagtapos sa 2-1 baraha ang Gilas upang masikwat ang No. 2 spot sa Group D tampok ang nag-iisang talo nito kontra sa unbeaten leader na China.

Kinapos ang Gilas kontra sa China, 84-67, bago tambakan ang Kazakhstan, 66-42, at Malaysia para maitakda ang knockout game kontra sa South Korea na No. 3 team ng Group C.

Ang mananalo sa Gilas at Korea ay uusad sa quarterfinals kontra sa Japan, na winalis ang Group B.

Nakasama ng Japan at Gilas diretso sa quarterfinals ang kapwa un­bea­ten teams na Australia ng Group A at New Zealand ng Group C.

Show comments