Alcantara-Moriya tandem wagi sa Thailand

MANILA, Philippines —  Inangkin ni Pinoy netter Francis Casey Alcantara ang kanyang ikatlong men’s doules title ngayong taon matapos makipagtambal kay Japanese Hiroki Moriya sa paghahari sa M25 Nakhon Si Thammarat sa Thailand.

Tinalo ng second seeded na sina Alcantara at Mo­riya sina fourth seed Maximus Jones ng Thailand at Finn Reynolds ng New Zealand, 6-2, 6-4, sa finals ng International Tennis Federation (ITF) Tour sa  Walailak University outdoor hard court.

Ito ang pang-20 men’s doubles championship ng 31-anyos na si Alcantara sa ITF Tour.

Nauna nang nagkampeon si Alcantara sa M25 New Delhi kasama si Thai Pruchya Isaro noong Marso at sa M25 Jakarta katambal si Moriya ngayong Hunyo.

Noong Mayo ay inangkin nina Alcantara at Ruben Gonzales ang gold medal sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Show comments