Para kay LA
TNT ang makakalaban ng Ginebra sa PBA Governors’ Cup finals.
Explosive ito.
Best-of-seven ang serye at dahil Holy Week, may pahinga muna ang mga teams.
Tinalo ng TNT ang Meralco sa best-of-five semis, 3-1. Natapos ito last Friday. Kahit nakaisa ang Meralco, parang one-sided.
Ang Ginebra, dehins pinaporma ang San Miguel Beer, 3-0.
At dahil dito, nung March 29 pa tapos ang serye nila. It means, mas matagal naka-garahe ang Gin Kings.
‘Yan ang worry ni coach Tim Cone – kung paano niya mapapanatili ang fighting form ng mga bata niya patungo sa finals.
Sa tingin ko, dehins naman ito problema.
In fact, chance ito para magpahinga ang mga players dahil sa Easter Sunday pa ang Game 1.
Gusto ko itong serye na ‘to. May armas din naman ang TNT.
Pero mabigat ang motivation ng Gin Kings kung gusto nila ito i-dedicate kay LA Tenorio na may kalubhaan.
Same ang battlecry nila: Never say die.
- Latest