^

PSN Palaro

Kapakanan at kabuhayan ng atleta prayoridad ni Clarin sa GAB

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Kapakanan at kabuhayan ng atleta prayoridad ni Clarin sa GAB
GAB chairman Richard Clarin

MANILA, Philippines — Ang mabigyan ng seguridad at kabuhayan ang mga professional athletes partikular ang boxers sa panahon ng kanilang career hanggang sa pagreretiro ang prayoridad ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Richard Clarin.

Nakipag-usap na si Clarin sa mga ahensiya ng pamahalaan at sektor na kabahagi sa programa at kaunlaran ng professional sports sa bansa.

“Just last Monday ay dumalo ako ng hea­ring sa House Committee on Sports para sa GAB Strengthening Bill. Ito po iyong Bill na itinutulak ni dating swimming champion Congressman Eric Buhain at iba pang sports-minded Congressmen tulad nina Cong, Gus Tambunting at Cong. Ferrer at talagang masinsin na napag-usapan doon iyong Athletes Welfare Fund,” ani Clarin.

“Alam naman natin na ito ang talagang concern ng GAB mula pa noon. So far, iyong boxers trust fund ng GAB eh, napakaliit lang naman ng pondo kaya hindi natin talaga naibibigay iyong tulong sa mga atletang nagkakasakit, nabaldado at nagretiro na walang pera, nakakaawa lalo na ang pamilya,” dagdag nito.

Bukod sa mga Congressmen ay nakausap na rin ng GAB chief ang Thailand-WBC at Japan Boxing Commission at nakipagkasundo para hindi malagay sa alanganin ang mga Pinoy boxers sa pag­laban sa kanilang bansa.

Idinagdag ng GAB head na nakikipag-usap na rin siya sa Department of Labor and Employment (DOLE) para maisama ang mga pamilya ng atleta sa ipinapatupad na programa ng ahensya para sa trabaho at kabuhayan.

vuukle comment

ATHLETE

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with