^

PSN Palaro

Paat bubuhatin ang Crossovers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala na sa Chery Tiggo ang Santiago sisters na sina Jaja at Dindin.

Kaya naman malaking hamon ito sa Crossovers sa pagpasok ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference na papalo bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Aminado si opposite hitter at team captain Mylene Paat na malaking pagsubok ito para sa Crossovers lalo pa’t tunay na maasahan ang Santiago sisters sa opensa.

Sina Jaja at Dindin ang bumandera nang masungkit ng Crossovers ang titulo sa 2021 PVL Open Confe­rence sa Ilocos.

Ngunit nais ni Paat na maging challenge ito upang buhatin ang Crossovers sa All-Filipino Conference.

“Kailangan naming tanggapin kung sino ang mga nasa lineup. Malaking challenge ito para sa akin dahil mas marami akong maii-share sa mga teammates ko,” ani Paat.

Si Paat ang top scorer ng Chery Tiggo sa mga nakalipas na kumperensiya ng liga.

Sa katunayan, nasikwat nito ang MVP award gayundin ang Best Opposite Spiker plum.

Maraming nabago sa Crossovers.

Sa pag-alis nina Jaja at Dindin, pumalit si outside hitter Ponggay Gaston na dating miyembro ng Choco Mucho Flying Titans.

Ibinalik din si Aaron Velez bilang head coach ng tropa kapalit ni dating mentor Clarence Esteban.

Si Velez ang head coach nang masungkit ng Crossovers ang korona sa 2021 PVL Open Conference.

Umaasa ang pamunuan ng Crossovers na mu­ling maibabalik ni Velez ang winning tradition sa kanilang tropa sa oras na magsimula ang liga.

Unang makakaharap ng Chery Tiggo ang Cignal HD Spikers sa Pebrero 7 sa Philsports Arena sa Pasig City. 

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with