^

PSN Palaro

Valdez malungkot na masaya para kay Jaja

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Valdez malungkot na masaya para kay Jaja
Jaja Santiago
Released

MANILA, Philippines — Malaki ang panghihinayang ni Creamline Cool Smashers Alyssa Valdez sa pagkawala ni middle blocker Jaja Santiago sa women’s national volleyball team.

Isa sana si Santiago sa aasahan ng Pinay Spikers sa oras na sumabak ito sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo.

Subalit isiniwalat ni Brazilian head coach Jorge Souza de Brito na nagpasya si Santiago na kumuha ng Japanese citizenship dahil pangarap nitong makapaglaro sa Olympic Games.

Malakas ang pag-asa ng Japan na makapaglaro sa Olympics dahil ilang beses na itong nagkwalipika sa naturang quadrennial meet. Dahil dito, naba­ngasan ang lineup ng national team.

“Sobrang nanghihina­yang,” ani Valdez.

Ngunit nilinaw ni Valdez na inirerespeto nito ang desisyon ni Santiago.

At handa nitong suportahan ito dahil madadala pa rin naman ni Santiago ang bandila ng Pilipinas sa Olympic Games sa kabila ng ibang bansa ang kakatawanin nito sakaling matuloy ang kanyang plano.

Magkasama sina Valdez at Santiago sa national team sa mga nakalipas na taon. Huling sumabak si Santiago sa national team noong SEA Games sa Hanoi, Vietnam kung saan bigo ang Pilipinas na makapasok sa podium.

Sa inilabas na pool para sa 2023 SEA Games sa Cambodia, wala ang pa­ngalan ni Santiago.

Nangunguna sa lista­han si Valdez kasama sina Creamline Cool Smashers teammates Jia Morado-De Guzman, Diana Mae Carlos, Celine Domingo, Kyla Atienza at Jema Galanza.

Nasa listahan din sina Kat Tolentino at Chery Nu­nag ng Choco Mucho, Gel Cayuna ng Cignal, Mylene Paat ng Chery Tiggo, MJ Philips ng Petro Gazz, Kath Arado, Mika Reyes, Dell Palomata at Jules Samonte ng PLDT at sina Lea Pelega at Risa Nogales.

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with