Oranza babandera sa Lumba Tamo Zambales 2024
MANILA, Philippines — Pamumunuan ni Cambodia Southeast Asian Games double bronze medalist Ronald Oranza ang isang star-studded Elite cast sa pagpadyak ngayong araw ng Lumba Tamo Zambales 2024.
Si Governor Hermogenes Ebdane ang magpapakawala sa second edition ng 150-kilometer race sa harap ng Maloma’s Barangay Hall sa San Felipe town at magtatapos sa Zambales Sports Complex sa Iba.
May 85 Elite riders na kumakatawan sa national team at mga top clubs Philippine Navy-Standard Insurance, 7-Eleven Roadbike Philippines, Excellent, Army, Go For Gold, Victoria Sports Pro Cycling Team at D’Reyna ang aarangkada sa Elite category na magsisimula sa ganap na alas-6 ng umaga.
Si Ebdane ang magbibigay ng award sa mga mananalo sa multi-category race na may basbas ng PhilCycling sa pamumuno ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at isa ring major sports component ng world-class celebration ng Dinamulag Mango Festival 2024.
Kabuuang 245 riders ang sasalang sa Junior category habang 221 cyclists ang lalahok sa Youth class na magpapasimula sa hosting ni Ebdane at ng Zambales sa PhilCycling National Road Team Training Camp sa Lunes.
- Latest