^

PSN Palaro

Sayang!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Wala pang talo ang NLEX sa PBA Governors’ Cup.

Nakabingwit kasi sila ng magaling na import na si Jonathan Simmons, isang NBA veteran na naglaro sa San Antonio, Orlando at Philadelphia mula 2015 hanggang 2019.

Umiskor ang 6-foot-6 at 33-year-old ng 32 points kontra Blackwater at 33 points laban sa NorthPort.

Kaya sa kartadang 2-0, maganda ang lakad ni NLEX coach Frankie Lim.

Kaso, dehins magtatagal si Simmons dito sa PBA dahil after four games, sisibat siya para maglaro sa Chinese Basketball Association.

Mukhang may offer siya na hindi matanggihan sa CBA kung saan siya based the last two years.

Paningit lang yata ang PBA stint niya.

Ang dehins ko alam ay kung nakasaad sa kontrata niya with NLEX na hanggang four games lang siya. Otherwise, dehins siya pwede umalis.

Sabi ni coach, naging honest si Simmons sa status niya at talagang kailangan lang niya umalis.

Kaya ang pakiusap ni coach sa import, ipanalo niya ang four games. Masusubukan mamaya dahil  TNT (2-0) ang kalaban then Phoenix sa Sabado.

Samantala, humahanap na ng kapalit ang NLEX habang nananalangin na ma-delay ang pag-alis ni Simmons.

Biniro ko nga si coach Frankie na ‘wag niya ito payagang umalis.

Sabi ko, itago niya ang passport.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with