Valientes tumukod sa Saigon

CEBU, Philippines — Nalasap ng Zam­boanga Valientes ang una nitong kabiguan matapos kapusin kontra sa Saigon Heat, 71-75, sa pagpapatuloy ng 2023 ASEAN Basketball League (ABL) Invitational sa OCBC Arena sa Singapore.

Muntikang burahin ng Valientes ang 20 puntos na pagkakaiwan sa huling minuto ng laban subalit tumirik pa rin sa dulo tungo sa 1-1 kartada matapos ang 108-94 panalo kontra sa Louvre Surabaya nitong Bagong Taon.

Dahil dito, nadiskaril ang debut ni San Beda guard James Kwekuteye na may 12 puntos, 6 rebounds at 2 assists matapos hindi makapaglaro kontra sa Surabaya.

Nanguna uli para sa Zamboanga si dating Terrafirma import Antonio Hester na may 16 markers, 10 boards at 6 assists matapos ang 35-point eruption sa unang laban.

Sunod na makakalaban ng Zamboanga ang NS Matrix Malaysia ngayong weekend.

Show comments