^

PSN Palaro

Gazz Angels maaga ang pamasko

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gazz Angels maaga ang pamasko
Ibinida nina Myla Pablo hinirang na Second Best Outside Hitter at American import Lindsey Vander Weide na Finals MVP at Best Foreign Guest Player ang kani-kanilang mga tropeo.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Maaga ang pamaskong natanggap ng Petro Gazz matapos pagreynahan ang Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kamakalawa sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hindi na hinayaan pa ng Gazz Angels na makaporma pa ang Cignal HD Spikers nang itarak nito ang 25-17, 22-25, 25-12, 25-22 panalo sa Game 2 para makumpleto ang matamis na sweep sa best-of-three championship series.

Kaya naman lubos ang kasiyahan ng buong Gazz Angels dahil ito ang ikalawang sunod na korona ng kanilang tropa sa Reinforced Conference.

Nais ng team na i-alay ang panalo sa mga veteran players nito na sila opposite spiker Aiza Maizo-Pontillas at playmaker Chie Saet.

“Siyempre sobrang saya. Lalo dun sa mga pla­yers na gusto talaga naming i-alay yung game sila Nang (Maizo-Pontillas), Chie (Saet), yung mga ate ng team and yun nga, knowing yung mga sacrifices na ginawa namin so sulit naman,” ani Gazz Angels head coach Rald Ricafort.

Itinanghal na Best Fo­reign Guest Player si Ame­rican import Lindsey Vander Weide at nasungkit din nito ang Finals MVP award.

Napasakamay naman ni Myla Pablo ang Se­cond Best Outside Hitter award habang Best Middle B­locker naman si MJ Phillips.

Maliban kina Vander Weide, Pablo at Phillips, nagningning din ang ilang players na nakasama sa individual awardees.

Kasama na rito si Conference MVP Mylene Paat ng Chery Tiggo na siya ring ginawaran ng Best opposite Spiker award.

First Best Outside hitter naman si Alyssa Valdez ng Creamline habang Best Middle Blocker din si Roselyn Doria ng Cignal.

Nasikwat ni Jia Morado ng Creamline ang Best Setter habang Best Libero si Buding Duremdes ng Chery Tiggo.

Asahan ang mas ma­titinding aksyon sa 2023 season ng PVL kung saan inaasahang madadagdagan ang mga teams na sasabak.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with