^

PSN Palaro

Pistons sinilat ang Mavericks

Pilipino Star Ngayon
Pistons sinilat ang Mavericks
Lumipad si Killian Hayes ng Pistons para sa kanyang dunk laban sa Mavs.

DETROIT — Kumamada si Killian Hayes ng walong puntos sa overtime para akayin ang  Pistons sa 131-125 pagsapaw sa Dallas Mavericks.

Tumapos si Hayes na may 22 points para sa 6-18 kartada ng Detroit na nakahugot kay Bojan Bogdanovic ng 30 points habang nagtala si Marvin Bagley III ng 19 points at 13 rebounds.

Kumolekta si Luka Doncic ng 35 points at 10 assists kasunod ang 26 markers ni Tim Hardaway Jr. sa panig ng Dallas (10-11).

Ang dunk ni center Christian Wood ang nagtabla sa Mavericks sa 125-125 sa huling 1:35 minuto sa extra period kasunod ang back-to-back 3-poin­ters ni Hayes para sa six-point lead ng Pistons sa nalalabing 41.6 segundo para selyuhan ang kanilang panalo.

Ibinigay ni Hayes sa Detroit ang 113-104 kalamangan sa huling tatlong minuto sa regulation.

Pero hindi sumuko ang Dallas sa likod ni Doncic na kumonekta ng triple para sa kanilang 115-117 agwat kasunod ang layup ni Reggie Bullock para sa 117-117 pagtabla sa nalalabing 22.6 segundo.

Bigo si Pistons’ big man Isaiah Stewart na maipasok ang tangkang tres na nagdala sa Mavericks sa overtime.

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with