^

PSN Palaro

Mas maraming medalyang makukuha sa Paris Olympics ang gusto ni Pangulong Marcos

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gustong madoble ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang nakolektang mga medalya ng Pilipinas sa nakaraang Olympic Games sa Tokyo, Japan para sa 2024 edition sa Paris, France.

Tatalima naman si Phi­lippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa direktiba ng Presidente.

“The President wants more medals in Paris,” ani Tolentino sa POC Ge­neral Assembly noong Huwebes. “And that’s an order we would more than happily want to accomplish.”

Sa Tokyo edition binuhat ni lady weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.

Sumuntok naman ng tig-isang silver sina fea­therweight Nesthy Petecio at flyweight Carlo Paalam at nagdagdag ng bronze si middleweight Eumir Felix Marcial sa boxing.

“I just told the President that we delivered a lot of Olympic medals during the past administration, and he replied that it’s not enough and he wants more,” ani Tolentino. “So I answered ‘Yes Mr. President, we’ll do more in the Paris Olympics.”

Ang Tokyo Games ang pinakamatagumpay nakampanya ng mga Pinoy athletes sa Olympics.

Kumpiyansa si Tolentino na aabot sa 12 Pinoy athletes o higit pa sa 19 Olympians sa Tokyo edition ang maaaring mag-qualify para sa 2024 Paris.

Pinahalagahan din ng POC chief ang magandang relasyon nila sa Phi­lippine Sports Commission (PSC) na minamandohan  ni chairman Noli Eala.

OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with