^

PSN Palaro

Magnolia nagpasolido sa Top 2 spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Magnolia nagpasolido sa Top 2 spot
Ibinitin ni Magnolia guard Paul Lee ang kanyang tira kontra kay Raymond Almazan ng Meralco.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Isa pang panalo para pormal na angkinin ang No. 2 berth sa quarterfinal round.

Umiskor si Paul Lee ng 11 sa kanyang 27 points sa third period sa pagratsada ng Magnolia para pabagsakin ang Meralco, 108-96, sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pinaganda ng Hotshots ang kanilang kartada sa 9-2 sa ilalim ng  guest team na Bay Area Dragons (10-2).

Ang No. 1 at No. 2 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals kontra sa No. 8 at No. 7 squad, ayon sa pagkakasunod.

“Chi-nallenge kasi sila ni coach (Chito Victolero) du­ring the halftime huddle,” ani Magnolia assistant coach Jason Webb. “And they definitely responded in the second half.”

Humakot si Calvin Abueva ng 17 markers, 5 rebounds at 3 assists at nagposte si import Nick Rakocevic ng 16 points at 20 boards para sa Hotshots na humataw ng 47 points sa kabuuan ng third quarter.

Nagwakas ang three-game winning streak ng Bolts para sa kanilang 4-6 baraha.

Maaari pa silang maka­kuha ng playoff sa isang quarterfinals spot kung mananaig sa NLEX Road Warriors sa Miyerkules at sa San Miguel Beermen sa Biyernes.

Ang arangkada ng Magnolia sa third period ay itinuloy nila sa final canto para itayo ang 21-point lead, 95-74.

Napaliit naman ito ng Meralco sa 93-104 mula sa dalawang free throws ni import KJ McDaniels sa huling 3:22 minuto ng laban.

Tumapos si McDa­niels na may 32 points, 9 boards, 4 assists at 3 blocks at may 16 at 14 markers sina ­Aaron Black at Bong Quinto ayon sa pagkakasunod.

BAY AREA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with