^

PSN Palaro

Platinum lumusot sa Cavitex para sa Leg 4 crown ng PBA 3x3

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang dalawang runner-up finishes ay napasakamay na ng Platinum Karaoke ang kauna-una-han nilang PBA 3x3 title nang ungusan ang Cavitex Braves, 13-12, sa Leg 4 ng Second Conference Season 2 kahapon sa Ro­binsons Place sa Malabon.

Umiskor si Terence Tumalip ng 6 points para pamunuan ang Platinum sa pagbulsa sa premyong P100,000 katuwang sina Brandon Bates, Nico Salva at Yutien Andrada.

Ang tirada ni Tumalip ang nagbigay sa Platinum ng 13-10 kalamangan sa huling 52 segundo habang blinangka ni Bates ang potensyal na game-winning two-pointer ni Jorey Napoles sa huling posesyon ng Cavitex.

Ito ang unang leg crown ng Platinum matapos ma­diskaril sa dalawang leg finals appearances.

Nakuntento naman ang Cavitex sa P50,000 bilang runner-up.

Samantala, tinakasan ng J&T Express ang Blackwater Red President via overtime, 22-20, para kunin ang P30,000 at ang third place trophy.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with