^

PSN Palaro

NU nalagasan agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
NU nalagasan agad
Ito ang kinumpirma ni Bulldogs head coach Jeff Napa kung saan hindi muna masisilayan sa aksyon si LA Casinillo sa kanyang debut sana sa season na ito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi pa man nagsisimula ang season, nalagasan na agad ang National University lineup para sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament.

Ito ang kinumpirma ni Bulldogs head coach Jeff Napa kung saan hindi muna masisilayan sa aksyon si LA Casinillo sa kanyang debut sana sa season na ito.

Ayon kay Napa, nagkaroon ng problema sa dokumento ng 6-foot guard na galing sa University of Santo Tomas high school program.

“Nagkaproblema sa papers niya,” ani Napa.

Matapos ang senior high school ni Casinillo, nag-enroll ito sa college bago magpasyang mag-trasnfer sa kampo ng NU.

Dahil dito, posibleng sumailalim si Casinillo sa residency.

Nakasama na ng Bulldogs si Casinillo sa preseason tournament kung saan nagtala ito ng impresibong 7.1 points, 2.4 rebounds at 1.3 assists.

Gayunpaman, nananatiling solido ang lineup ng Bulldogs dahil nariyan si John Lloyd Clemente na itinanghal na MVP sa Preseason Cup.

Para kay Clemente, magandang baon ito bago magsimula ang season.

“Malaking boost sa akin to dahil kumpyansa din ‘to. Pero sa amin lang naman sa vocabulary ni coach bawal lang mag-relax isa sa amin,” ani Clemente.

Bahagi rin si Clemente ng Mythical Five sa natu­rang torneo kung saan may averages itong 13.3 points, 4.1 rebounds, 1.9 assists at 1.0 steals.

“Siya talaga ‘yung mentor ko nung high school pa lang kaya siguro dun din ‘yung opensa ko na batas na batas, kaya binibigyan ako ng pansin ni Coach Jeff eh,” ani Clemente.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with