^

PSN Palaro

Super League papalo ngayon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hahataw na ang mga matitikas na collegiate stars sa Shakey’s Super League 2022 Collegiate Pre-season Championship na papalo ngayong araw sa Rizal Memorial Coliseum.

Unang masisilayan ang salpukan ng University of the East at Mapua University sa alas-12 ng tanghali kasunod ang duwelo ng National Collegiate Athletic Association rivals San Beda University at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-2 ng hapon.

Papalo naman ang bakbakan ng NCAA champion College of St. Benilde at University Athletic Association of the Philippines squad Far Eastern University sa alas-4 ng hapon.

Lalarga din ang duwelo ng Adamson University at University of Sto. Tomas sa alas-6 ng gabi.

Magkakaroon ng simpleng opening ceremony matapos ang second game kung saan imbitado sina Philippine Sports Commission chairman Noli Eala at Commission on Higher Education chairperson Prospero de Vera. 

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with