^

PSN Palaro

Cargo Movers paborito sa PVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayon pa lang, itinuturing nang paboritong magkampeon ang F2 Logistics sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na papalo sa susunod na buwan.

Solido ang lineup ng Cargo Movers dahil magbabalik si Filipino-American outside hitter Kalei Mau kasama pa si veteran American import Lindsay Stalzer.

“Finally I’m out and I’m coming home F2 Logistics see you soon,” ani Mau sa kanyang social media account.

Naglaro si Mau sa isang commercial league sa Puerto Rico at sa Amerika.

Hindi naman na bago sina Mau at Stalzer sa Cargo Movers dahil nagkasama na ito sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix noong 2020.

Subalit naudlot ang Grand Prix dahil sa pan­demya at tuluyan nang nag­laho ang PSL sa senaryo.

Bukod sa dalawa, nahugot pa ng Cargo Movers si middle blocker Ivy Lacsina na dating miyembro ng National University na nagkampeon sa UAAP Season 84 via sweep.

Makakasama ng tatlo ang beterano ring sina middle blockers Aby Maraño at Majoy Baron, outside hitter Ara Galang, opposite spiker Kim Kianna Dy, playmaker Kim Fajardo at libero Dawn Macandili.

Dahil dito, isa ang Cargo Movers sa inaasahang magbibigay ng magandang laban sa Open Conference champion Creamline Cool Smashers.

Galing ang Cool Sma­shers sa kampanya sa dalawang malalaking international tournaments.

Nagpalakas din ang iba’t ibang PVL teams dahil kani-kanya rin silang hugot ng mahuhusay na imports gaya ng PLDT Home Fibr at Cignal.

Kaya naman inaaba­ngan na ang salpukan ng matitikas na imports kasama ang mga local players sa pagbabalik ng Reinforced Conference.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with