Ortiz hinugot ng Flying Titans

MANILA, Philippines — Tuloy ang rigodon sa Premier Volleyball League (PVL) matapos lumundag si middle blocker Maika Ortiz sa kampo ng Choco Mucho Flying Titans.

Inihayag na ng Flying Titans ang pagpasok ng dating UST standout sa kanilang mga social media accounts.

Mainit na binigyan ng welcome message ng Flying Titans si Ortiz na malaki ang maitutulong sa kanilang tropa sa middle position.

“She has arrived. The Choco Mucho Flying Titans officially welcome Maika Ortiz to the team! Backed with her playing experience and maturity as an athlete, Maika is surely a Flying Titan to look out for,” ayon sa post ng Choco Mucho.

Isa si Ortiz sa mga natanggal sa lineup ng dating PVL Open Conference champion Chery Tiggo na kasalukuyang nasa rebuil­ding process.

Kaya naman sinamantala na ng Flying Titans ang pagkuha kay Ortiz na marami na ring championship experiences mula collegiate hanggang professional leagues.

Makakasama ni Ortiz sa middle position sina Bea de Leon, Aduke Ogunsanya at Maddie Madayag na inaasahang masisilayan na sa aksyon matapos ang ilang buwang rehabili­tasyon matapos itong magtamo ng injury.

Show comments