^

PSN Palaro

WBA belt nadepensahan ni Suarez

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
WBA belt nadepensahan ni Suarez

MANILA, Philippines — Matagumpay na nadepensahan ni Rio Olympian Charly Suarez ang kanyang World Boxing Association (WBA) Asia superfeatherweight title.

Naitala ng 33-anyos na si Suarez ang unanimous decision win laban sa kababayang si Mark John Yap noong Linggo ng gabi sa Elorde Sports Complex sa Parañaque City.

Nakuha ni Suarez ang boto ng tatlong hurado na nagbigay ng 120-108, 120-108 at 118-110 desis­yon para mapanatili ang kanyang WBA belt.

Wala pa ring talo si Suarez sa kanyang professional boxing career para umangat sa 12-0 rekord kabilang ang pitong knockouts habang nahulog si Yap sa 30-17 marka kabilang ang 15 knockouts.

Mainit na sinimulan ni Yap ang laban kung saan nagpakawala ito ng  matatalim na suntok na kumunekta kay Suarez.

Kaya naman kinaila­ngan ni Suarez na makabangon nang maglunsad ito ng sariling atake para masugatan ang kanang bahagi ng mata ni Yap.

Mula rito, napanatili ni Suarez ang mataas na intensidad para makuha ang atensiyon ng mga hurado.

“It was a great learning experience for me. This fight taught me how to be patient and be tactical when facing a resilient boxer like Yap,” ani Suarez.

Bago pumasok sa pro boxing, matagumpay ang amateur stint ni Suarez.

Nagbigay ito ng pilak na medalya para sa Pilipinas noong 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea habang nakahirit ito ng ginto sa SEA Games noong 2009, 2011 at 2019.

Naging bahagi rin si Suarez ng pambansang delegasyon sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil subalit hindi ito pinalad na makapasok sa medal round. 

vuukle comment

BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with