Skippers lusot sa Saints

MANILA, Philippines — Sinolo ng Marinerong Pilipino ang ikalawang puwesto matapos talunin ang Adalem Construction-St. Clare, 76-71, sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bumangon ang Skippers mula sa naunang kabiguan para iposte ang 3-1 record at inilaglag ang Saints sa 2-2.

Iniskor ni Jollo Go ang walo sa kanyang 19 points sa fourth quarter para kunin ang 73-66 bentahe sa hu­ling 1:36 minuto matapos silang magtabla ng Adalem-St. Clare sa 69-69.

Nag-ambag si Kemark Carino ng 12 markers at may 11 at 10 points sina Juan Gomez de Liaño at Paolo Hernandez.

Samantala, humakot si James Una ng 12 points, 5 rebounds, 3 steals at 2 blocks para akayin ang Apex Fuel-San Sebastian (2-1) sa 93-53 paggupo sa AMA Online (0-4).

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Stags na nakahugot kina Rafael Are at Ian Suico ng tig-11 mar­kers at may tig-10 points sina Romel Calahat at Ichie Altamirano.

Sa unang laro, inangkin ng Centro Escolar University (2-2) ang 86-69 panalo sa Builders Warehouse-UST (0-3) sa likod ng 23 points ni Franz Diaz.

Show comments