France ‘di matibag sa liderato

Hinatawan ni Bennie Junior Tuinstra ng Ne­therlands si Bruno Lima ng Argentina.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Pinatibay ng France ang paghawak sa liderato matapos igupo ang Japan, 25-22, 27-25, 25-16, sa men’s division ng Volleyball Nations League Week 2 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Hinataw ng Tokyo Olympics gold medalist ang 18 points mula sa kanilang 6-1 record.

Umiskor si Jean Patry ng 14 points habang may 10 hits si Trevor Clevenot laban sa Japan na ipinahi­nga si Yuji Nishida matapos ang 28-hit performance sa kanilang 25-20, 21-25, 24-26, 25-19, 15-13 panalo sa Italy noong Biyernes.

Nanatili ang Japan sa third place sa kanilang 15 points sa torneong iniha­handog ng PLDT katuwang ang The STAR, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Maynilad, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Samantala, tinalo ng Netherlands ang Argentina, 22-25, 25-23, 20-25, 25-19, 15-13, para umakyat sa fifth place bitbit ang 14 points mula sa 5-3 baraha.

Nahulog ang mga Argentines sa No. 12 sa likod ng kanilang 8 points sa 2-6 baraha.

Show comments