^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas suportado ni Fernandez

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas Pilipinas suportado ni Fernandez
June Mar Fajardo stood tall for Gilas with a double-double of 28 points and 12 rebounds.
PSC photos

MANILA, Philippines — Suportado ni basketball legend at Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Mon Fernandez ang tangka ng Gilas Pilipinas na mabawi ang korona sa 32nd Southeast Asian Games na idaraos sa Cambodia sa susunod na taon.

Kaya naman iminungkahi nitong ipadala ang pinakamalakas na koponan para masigurong hindi na makakahirit pa ang ibang Southeast Asian country.

Naglabas ng saloobin si Fernandez matapos ang masaklap na kinahinatnan ng Gilas Pilipinas sa katatapos na 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Yumuko ang Gilas Pilipinas sa Indonesia sa iskor na 81-85 dahilan para magkasya lamang ito sa pilak na medalya — ang unang pagkakataon na hindi nahawakan ng Pilipinas ang ginto sa men’s basketball sapul noong 1989.

Para kay Fernandez, kailangang magpadala ng solidong koponan upang mabawi ang korona ng Pilipinas.

Hindi na puwedeng maliitin ng Pinoy cagers ang mga karatig-bansa nito sa Southeast Asian region dahil unti-unti nang tumataas ang lebel ng laro ng mga ito.

“We have to choose the best possible players, we cannot belittle them anymore just like the old days when we can send our college players and still beat them,” ani Fernandez.

Malaki na ang ipinagbago ng sistema ng basketball sa ibang bansa gaya ng Indonesia at Thailand na tunay na umangat na ang laro na nasilayan sa Hanoi Games.

Ma­lakas naman ang Gilas Pilipinas squad lalo pa’t binubuo ito ng mga PBA players kabilang na si MVP June Mar Fajardo.

Subalit nadismaya si Fernandez dahil umaasa itong masusungkit ng Pinoy cagers ang ginto.

Ngunit wala itong magawa dahil pinaghandaan ng husto ng Indonesia ang laro ng Gilas Pilipinas.

GILAS PILIPINAS

PSC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with