^

PSN Palaro

Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG
Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hihilingin ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga atleta. Umaasa si Fernandez na muling pamumunuan ni POC president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang pagbibigay ng booster shot sa mga miyembro ng Phl Team.

“All our athletes have been vaccinated already. So we’re hoping na ma-work out din ni Cong. Bambol na mabigyan din sila ng booster,” wika ni Fernandez sa POC katulong ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Kamakailan ay inihayag ng Vietnam ang kanilang gagamiting “no vaccine, no entry” policy para sa pagdaraos ng SEA Games sa Mayo 12-25.

“Ang requirement lang ng Hanoi is two jabs for eve-rybody to be able to get in. So we’re fine with that,” sabi pa ni Fernandez.

Hangad ng Team Philippines na makopo ang back-to-back overall championship matapos magkampeon noong 2019 edition.

Bukod sa nasabing vaccine requirement ay hihingan din ng Vietnam organizing committee ng negative RT-PCR test result ang bawat delegation member bago papasukin sa kanilang bansa at paya-gang makalahok sa SEA Games. Ang deadline ng entries by name ay sa Marso 12.

POC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with