^

PSN Palaro

Global Remit, Manileño sumabit sa semis

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Global Remit, Manileño sumabit sa semis

MANILA, Philippines — Binuo ng Global Remit at VNS Manileño ang semifinals cast ng Phi­lippine National Volleyball Fe­deration (PNVF) Champions Lea­gue men’s tournament kahapon sa Aquamarine Recreational Center Gym sa Lipa, Batangas.

Tinalo ng Global Remit ang MRT-Negros, 25-21, 25-19, 25-23, para selyuhan ang No. 2 spot sa Pool B at labanan sa semis ang Pool A top-seed na Go For Gold-Air Force na may 2-0 record.

Naglista sina Joeven Dela Vega at Joshua Villanueva ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, para banderahan ang Global Remit.

Nagtabla ang Global Remit (1-2), Sabong International (1-2) at MRT-Neg­ros (1-2) sa No. 2 seat sa Pool B subalit nakamit nila ang huling semis slot dahil sa bentahe sa set ratio.

Kinumpleto naman ng Team Dasma Monarchs ang 3-0 sweep sa Pool B nang dominahin ang Sa­bong International Spikers, 25-20, 25-21, 25-23.

Nauna nang pinatumba ng Team Dasma ang Glo­bal Remit at MRT-Negros.

Humataw si Madzlan Gampong ng 12 points at may 11 markers si Mark Frederick Calado para pa­ngunahan ang Monarchs.

Lalabanan ng Team Dasma sa semis ang VNS Manileño Spikers (1-1) na tinalo ang Basilan Steel Spikers, 25-17, 25-22, 25-23, para pumangalawa sa Pool A.

Maglalaban ang Sabong International, MRT-Negros at Basilan sa classification matches para sa pang-lima hanggang pang-pitong silya simula ngayong umaga.

PNVF

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with