_ngayon
^

PSN Palaro

Orcollo, Chua pasok sa Last 16

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Orcollo, Chua pasok sa Last 16
Dennis Orcollo

MANILA, Philippines — Matayog pa rin ang lipad ng bandera ng Pilipinas matapos umentra sa Last 16 sina Dennis Orcollo at Johann Chua sa 2021 US Open 9-Ball Pool Championship na ginaganap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City.

 Inilatag ni Orcollo ang malalim nitong karanasan upang putulin ang mainit na kamada ni Oliver Szolnoki ng Hungary sa bendis­yon ng 11-6 desisyon sa kanilang fifth-round match.

 Nadugtungan din ni Chua ang magandang laro nito makaraang pabag­sakin si Mieszko Fortunski ng Poland sa iskor na 11-7 sa hiwalay na fifth-round game.

 Nakaabang pa sina Orcollo at Chua kung sino ang makakalaban nito sa Last 16 mula sa mga magwawagi sa losers’ bracket.

Ipatutupad na ang knockout stage sa Last 16 ng torneong may nakaalaan na $50,000 para sa magkakampeon at $25,000 naman sa runner-up.

Kumakasa pa si da­ting World 9-Ball champion Carlo Biado at Rodrigo Geronimo na nagtala ng sunud-sunod na panalo sa sa losers’ bracket.

Nanaig si Biado sa kababayang sina Jeffrey de Luna (11-6) at Alex Pagulayan (11-0) gayundin kina Ralf Souquet ng Germany (11-3) at David Raya ng Amerika (11-3) habang wagi naman si Geronimo kay Niels Feijen ng N­etherlands (11-6).  

DENNIS ORCOLLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with