^

PSN Palaro

Esports official sport na sa 2022 Asian Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Esports official sport na sa 2022 Asian Games
Inihayag ng Olympic Council of Asia (OCA) ang pagsama sa Esports sa kalendaryo sa Asian Games kung saan walong events ang mapapabilang sa official list at dalawa naman ang magiging demonstration events.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pormal nang mapapasama ang Esports bilang official medal sport sa 2022 Asian Games na idaraos sa Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China.

Inihayag ng Olympic Council of Asia (OCA) ang pagsama sa Esports sa kalendaryo sa Asian Games kung saan walong events ang mapapabilang sa official list at dalawa naman ang magiging demonstration events.

Pasok sa official list ang Arena of Valor Asian Games Version, Dota 2, Dream Three Kingdoms 2, EA SPORTS FIFA branded soccer games, HearthStone, League of Legends, PUBG Mobile Asian Games Version at Street Fighter V.

Magiging demonstration events ang AESF Robot Masters-Powered by Migu at AESF VR Sports-Powered by Migu.

“We hope that this announcement allows all participa­ting teams ample time to prepare and equip themselves ahead of the qualifying stages,” ani OCA director general Husain Al-Musallam.

Nagkaroon na rin ng Esports noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia ngunit bahagi lamang ito ng demonstration events.

Sa pagkakataong ito, kasama na sa medal tally ang mga mapapanalunang medalya sa Esports.

Umakyat na sa kabuuang 40 sports ang paglalabanan sa Hangzhou Asian Games.

“We at the OCA are looking forward to working closely with our friends at the Asian Electronic Sports Federation and the Hangzhou Asian Games Organizing Committee to ensure a successful execution of the esports event at the 2022 Asian Games,” dagdag ni Al-Musallam.

ASIAN GAMES

ESPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with