_ngayon
^

PSN Palaro

Nievarez pasok sa Q’finals

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Nievarez pasok sa Qâfinals
Si Cris Nievarez habang sumasagwan sa heat 5 ng men’s single sculls sa Tokyo Olympics sa Sea Forest Waterway sa Odaiba, Tokyo, Japan kahapon.
Screenshot

Magandang panimula sa Team Philippines

TOKYO — Nalampasan ni Olympic rowing debutant Cris Nievarez ang una niyang pagsubok kung saan hindi niya hinayaang maiwanan siya ng mga mas mabibigat na karibal at makakuha ng automa­tic quarterfinals entry sa men’s singles sculls.

Sinunod ni Nievarez ang kanyang game plan na hangga’t maaari ay dumikit kina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Damir Martin ng Croatia at world indoor champion Alexander Vyazovkin ng Russia para tumapos sa top three at makaiwas sumagwan sa repechage.

Nagtala si Nievarez ng bilis na 7:22.57 sa ilalim nina Martin (7:09.17) at V­yazovkin (7:14.95) sa Heat 5.

Kumpiyansa si Nievarez na makakapasok siya sa semifinals.

“Pag-aaralan ko kung sino ang makakalaban ko sa quarterfinals, at titingnan ko kung anong time ang hahabulin ko,” wika ng tubong Atimonan, Quezon.

Sasagwan ang 21-an­yos na si Nievarez, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist, bukas at target ang silya sa A-B semifinals.

“It’s a good Olympic start for Team Philippines,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. “Nievarez qualifying in the quarterfinals on the first day is a good testament that our athletes have prepared well, despite the pandemic.”

Ang magandang pa­nimula ni Nievarez ang inaasahang magpapasigla kina gymnast Caloy Yulo at lady boxer Nesthy Petecio sa pagsalang nila sa aksyon ngayong araw.

Sasabak si Yulo sa men’s all-around quali­fying, habang kakampanya si Petecio sa featherweight division.

Inaasahang magku-qualify ang 2019 world champion Pinoy gymnast sa floor exercise final at posible rin sa parallel bars at vault.

Nakatakda ang gymnastic finals sa Miyerkules.

Haharapin naman ni Petecio, ang 2019 AIBA World Championships winner, si African champion Marcelat Sakobi ng Congo.

CRIS NIEVAREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with