_ngayon
^

PSN Palaro

Perasol goodbye na sa UP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Perasol goodbye na sa UP
Bo Perasol
Released

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nama­alam si veteran mentor Bo Perasol bilang head coach ng University of the Philippines (UP) men’s basketball team sa UAAP.

Nais sana ni Perasol na manatili pa sa kampo ng Fighting Maroons ng isa pang season subalit nagbago ang kanyang pananaw dahil sa epekto ng pandemya.

“I promised UP after UAAP Season 82 that I will stay for another season just to sustain the rebuil­ding process which started many years back, coming from zero wins back then,” ani Perasol.

Maganda ang naging patakbo ni Perasol sa UP na makailang ulit na tumuntong sa Final Four.

Nakaabot pa ang Figh­ting Maroons sa Finals noong Season 81 ngunit yumuko ito sa reigning champion Ateneo de Manila University sa best-of-three championship series.

Sa pag-alis ni Perasol, ilang pangalan na angt lumulutang na papalit sa kanyang naiwang puwesto.

Maugong ang pangalan nina dating NU head coach Goldwin Monteverde at Gilas Pilipinas women’s team mentor Patrick Aquino.

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with