_ngayon
^
Suns itinakas ni Ayton sa Game 2
Ang game-winning dunk ni Suns’ Deandre Ayton laban kay Clippers’ Ivica Zubac sa Game 2 ng Western Conference finals.
STAR/ File

Suns itinakas ni Ayton sa Game 2

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2021 - 12:00am

PHOENIX  — Inilusot ng Suns ang 104-103 panalo laban sa Los Angeles Clippers sa Game Two para iposte ang 2-0 bentahe sa kanilang Western Confe­rence Finals.

Isinalpak ni center Deandre Ayton ang game-winning dunk mula sa alley-oop pass ni Jae Crowder sa huling 0.7 segundo para kumpletuhin ang pagtakas ng Phoenix kontra sa Los Angeles.

Ito ang pang-siyam na sunod na ratsada ng Suns sa playoffs.

Humakot si Ayton ng 22 points at 14 rebounds para sa Suns na nakahugot kay Cameron Payne ng career-high 29 point, samantalang may 20 mar­kers si Kevin Booker.

Kumamada si Paul George ng 26 points sa panig ng Clippers na mu­ling hindi nakuha ang serbisyo ni Kawhi Leonard (sprained right knee) sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Ililipat ang Game Three sa Los Angeles bukas.

Naagaw ng Clippers ang 102-101 abante mula sa layup ni George sa hu­ling 31 segundo habang ang jumper ni Booker ang nagbigay sa Suns ng  102-101 bentahe sa nalalabing 27 segundo.

Matapos ipasok ang kanyang long two-pointer para sa 103-102 kalama­ngan ng Clippers ay nai­mintis ni George sa hiwalay na posesyon ang dalawa niyang free throws sa natitirang 8.2 segundo.

Tumalbog ang tangkang tres ni Mikal Brid­ges na nagbalik ng bola sa Suns at nagtakda sa Crowder-to-Ayton connection para malusutan ang Clippers.

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod.

Ngunit sa araw ng kanyang kumpirmasyon sa 2021 Tokyo Olympics ay nagpositibo si Knott sa coronavirus disease (COVID-19) kahit pa fully-vaccinated na siya sa  Amerika.

“Kristina contracted COVID and she was tested positive yesterday hours before her second to the last competition,” ani Phi­lippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico.

Ang 25-anyos na si Knott ang nagtakbo sa gold medal ng women’s 200m run at sa 4x100m mixed relay ng 2019 Philippine SEA Games.

Sinira rin ng Fil-Am trackster ang 33-year Phi­lippine national record na 11.28 segundo ni Lydia De Vega sa women’s 100m dash para sa bago niyang 11.27 segundo.

“She is not yet in Japan. This is not the start of the Olympics. She has about a month to recover from this,” dagdag pa ni Juico kay Knott.

Umabot na sa 15 ang lahok ng bansa sa 2021 T­okyo Games  para palakasin ang tsansa sa inaasam na kauna-unahang Olympic gold medal.

Ang iba pang qualifiers ay sina golfer Juvic Pagunsan, shooter Jayson Valdez, weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ando, pole vaulter Ernest John Obiena, skateboarder Margielyn Didal, gymnast Carlos Edriel Yulo, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez at bo­xers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Nakamit ng 24-anyos na si Watanabe ang kanyang Olympics slot via continental quota sa women’s -63 kilogram division base sa final at official qualification list na inilabas ng International Judo Federation (IJF).

Mabibigyan din ang swimming ng dalawang universality slots para sa Tokyo Olympics sa katauhan nina Jaimie Deiparine at Remedy Rule.

DEANDRE AYTON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with