_ngayon
^
Clippers niresbakan ang Jazz sa Game 3
Nailusot ni Clippers forward Kawhi Leonard ang kanyang tira sa tangkang supalpal ni Jazz center Rudy Gobert sa Game 3.
STAR/File

Clippers niresbakan ang Jazz sa Game 3

(Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Nagsalpak sina Kawhi Leonard at Paul George ng pinagsamang 65 points para tulu­ngan ang Clippers sa 132-106 pagpapatumba sa Utah Jazz sa Game Three ng kanilang Western Conference semifinals series.

Tumapos si Leonard na may 34 points kasunod ang 31 markers ni George para idikit ang Los Angeles sa 1-2 sa kanilang best-of-seven showdown ng Utah.

Nagdagdag sina Reggie Jackson at Nicolas Batum ng tig-17 points.

Rumatsada si George sa first half habang bumanat naman si Leonard ng 24 points sa kabuuan ng second half para ilayo ang Clippers sa Jazz at makabawi mula sa 0-2 pagkakaiwan sa serye.

Pinamunuan ni guard Donovan Mitchell ang Utah sa kanyang 30 points at tuluyan nang ipinahinga sa bench sa fourth period dahil sa kanyang ankle injury.

Tumipa si Joe Ingles ng 19 points at may 14 markers si Fil-Am Jordan Clarkson sa panig ng Jazz na nakahugot din kay center Ruby Gobert ng 12 points at 10 rebounds.

Samantala, tatapusin ngayon ng Phoenix Suns ang kanilang serye ng Denver Nuggets papasok sa conference finals.

Hawak ng Phoenix ang malaking 3-0 abante sa kanilang duwelo ng Denver.

Ang Nuggets ang pang-143 NBA team na nahulog sa 0-3 sa isang best-of-seven playoff series at wala pang tropang nakakaba­ngon para kunin ang apat na sunod laro.

UTAH JAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with