^

PSN Palaro

Malaking pondo ang gagastusin sa PVL bubble

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Malaking pondo ang gagastusin sa PVL bubble
Base sa estimate, aabot ng P47 milyon ang ma­ga­gas­tos para tustusan ang mga pangangailangan ng buong delegasyon sa bubble.
STAR/ File

Cignal tutulong...

MANILA, Philippines — Milyones ang pondong kakailanganin upang matagumpay na maitaguyod ang 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na idaraos sa isang bubble format sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Base sa estimate, aabot ng P47 milyon ang ma­ga­gas­tos para tustusan ang mga pangangailangan ng buong delegasyon sa bubble.

Nangunguna na sa listahan ang accommodation, pagkain, sweldo sa mga opisyales ng tournament, mga gagastusin sa swab testing at iba pang kailangan.

Malaking budget ang gugugulin sa pananatili ng delegasyon sa Inspire Sports Academy na tinatayang may P30 milyong pondong kailangan.

Tinatayang dalawang buwang mananatili sa bubble ang buong delegasyon base sa tantiya ng PVL organizers. Kasama naman sa package ang accommodation at pagkain.

Aabot naman sa P10 milyon ang ilalaan para sa swab testing dahil regular na magkakaroon ng test upang masiguro na ligtas ang lahat ng nasa loob ng bubble.

May P5 milyon naman para sa sweldo ng mga opisyales habang magkakaroon ng video challenge sa edisyong ito na gagastusan naman ng P2 milyon.

Ang kabuuang pondo ay para sa tinatayang 320 kataong papasok sa bubble na binubuo ng players, coaches, officials, medical team at television crew.

Subalit masuwerte ang pamunuan ng PVL dahil tutulong ang Cignal sa gastusin. Sa katunayan, sinabi ni PVL president Ricky Palou na malaking bahagi ng gastusin ay sasagutin ng Cignal — ang bagong broadcast partner ng liga.

May 12 teams ang kumpirmado nang lalahok sa Open Conference na puntiryang simulan sa Mayo 8.

Nangunguna na ang regular members na Creamline, Petro Gazz, Perlas, Army, Choco Mucho, BaliPure at baguhang UAC kasama ang bagong lipat na PLDT, Cignal, Chery Tiggo, Sta. Lucia at F2 Logistics.

MILYONES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with