'20-taong agwat': Garcia kinumpirma laban kay Pacquiao sa Instagram
MANILA, Philippines — "Tuloy na tuloy" raw ang susunod na laban ni Manny Pacquiao kontra sa isang Amerikanong boksingerong dalawang dekada ang agwat sa kanya.
Ito ang giit ngayon ng 22-year-old boxer na si Ryan Garcia sa kanyang paskil sa Instagram, Lunes, kahit hindi pa kinukumpirma ng 42-anyos na si Pacman.
Si Garcia ang tumatayong WBC interim lightweight champion sa ngayon habang hawak ng "Pambansang Kamao" ang WBA "super" welterweight belt.
"A dream turned reality. It’s an honor to share the Ring with @mannypacquiao I will always respect what you did in and out the ring," ayon sa batang boksingero.
"Here’s to the best Man Winning."
Kahapon lang nang ibalita ni Mike Coppinger ng The Athletic na gumugulong na ang pag-uusap sa pagitan ng dalawanbg kampo, bagay na nasa "preliminary discussions" na raw sa ngayon.
Basahin: Manny Pacquiao vs Ryan Garcia in the works?
Sources tell @TheAthletic there are talks regarding a potential bout between Ryan Garcia and Manny Pacquiao. Preliminary discussions at this stage. Pacquiao, 42, hasn’t competed since victory over Keith Thurman in July 2019. He remains a champion at 147 pounds. Garcia at 135
— Mike Coppinger (@MikeCoppinger) January 24, 2021
Huling sumabak sa professional bout si Pacquiao matapos magapi ang dating katunggaling si Keith Thurman noong Hulyo 2019.
Bagama't mas bata si Garcia, nasa "fighting senator" ang weight advantage. Nasa 135 pounds ang nauna habang 147 pounds si Pacquiao.
Huling ikwinento ni Garcia ang kanyang kagustuhang makaharap ang boksingero mula Mindanao matapos magwagi via technical knockout kay Luke Campbell nitong taon.
"Maybe after Gervonta (Davis), hopefully... Can we share that ring together and please pass that torch to me?" ani Garcia.
Inaabangan pa naman ng publiko ang diretsahang pagkukumpirma ni Manny sa diumano'y paparating na laban.
- Latest